Isa sa mga pangunahing hadlang sa pag-usbong ng DeFi ay ang kakulangan nito ng suporta para sa mas sopistikadong mga mekanismo ng kalakalan na matatagpuan sa tradisyonal na pananalapi, ngunit nagbabago na ito dahil sa pag-usbong ng mga bagong Layer-3 na mga protocol ng imprastraktura. Bagaman ang mga pinakaunang decentralized exchange na plataporma ay napaka-innovative, isang mahalagang limitasyon ay kaya lang nilang suportahan ang mga basic na token swap, na naglalantad sa mga user sa likas na volatility ng crypto, panganib ng mataas na slippage, at hindi katanggap-tanggap na risk ng liquidation. Ito ay naging pangunahing hadlang para sa institusyonal na pagtanggap.
Ngunit sa nakalipas na ilang taon, may mga mahahalagang pag-unlad na lumitaw na sumira sa mga limitasyong ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas demokratikong access sa mga bagong on-chain trading primitives, maaaring mag-integrate ang mga DeFi platform ng advanced order types at matatag na risk management mechanisms. Bilang resulta, pinagsasama ng mga DEX ang kahusayan ng TradFi sa transparency at prinsipyo ng self-custody na siyang nagpapalayo sa kanila sa iba.
Hindi sapat ang basic swaps
Ang paglalakbay ng DeFi mula sa basic swaps tungo sa advanced order execution ay naging posible dahil sa mapanlikhang disenyo ng protocol. Ang mga pinakaunang DEX platforms ay limitado sa deterministikong katangian ng smart contracts, na nangangahulugang ang automated market makers ay maaari lang mag-execute ng orders agad-agad sa kasalukuyang presyo, kaya hindi posibleng suportahan ang mas komplikadong order types.
Ang limitasyong ito ay naging hadlang para sa mga sopistikadong hedge funds at high-net-worth individuals, na karaniwang umaasa sa mga algorithmic trading strategies upang magkaroon ng lamang sa merkado. Bihira sa mga trader na ito ang magsagawa ng multi-million dollar trades bilang isang swap lang – sa halip, gumagamit sila ng specialized order types upang mabawasan ang epekto sa presyo ng kanilang mga trades at mapababa ang risk.
Ang mga sopistikadong trader ay nangangailangan ng tatlong bagay, kabilang ang slippage control, na nagbibigay-daan sa kanila na magsagawa ng malalaking order nang walang malaking diperensya sa pagitan ng inaasahang presyo at ng aktwal na execution price; volatility mitigation, kaya nilang paghaluin ang execution prices ng malalaking order sa loob ng takdang panahon upang mabawasan ang risk tuwing may volatility; at automated risk management, kung saan automatic nilang naset ang mga conditional orders upang maprotektahan ang kanilang kapital at makuha ang kita nang hindi kailangang bantayan palagi ang merkado.
Isang karaniwang gamit ng bawat propesyonal na trader ay ang “limit order,” na nagbibigay-daan sa kanila na bumili o magbenta ng asset sa tinukoy na presyo o mas maganda pa. Kapag ginamit ito, mag-eexecute lang ang order kapag ang presyo ng asset ay tumaas o bumaba sa tinukoy na range, kaya napoprotektahan laban sa hindi kanais-nais na execution price.
Upang mabawasan ang epekto ng malalaking order sa merkado, karaniwang gumagamit ang mga trader ng “time-weighted average price” orders na hinahati ang malaking trade sa maliliit na bahagi. Halimbawa, kung gustong bumili ng isang trader ng 100 BTC, hahatiin niya ito sa 10 magkakahiwalay na trades at ieexecute ang mga ito sa loob ng itinakdang panahon, tulad ng isang linggo o kahit isang buwan, upang maiwasang tumaas ang presyo ng asset.
Ang ikatlong mahalagang tool para sa mga sopistikadong trader ay ang “stop-loss/take profit” order. Ito ay isang conditional order na automatic na nagti-trigger ng benta kapag ang presyo ng asset ay bumaba sa isang tiyak na antas, upang maprotektahan laban sa pagkalugi. Maaari rin itong mag-trigger ng buy/sell na nagbibigay-daan sa trader na makuha ang kita kapag umabot ang presyo ng asset sa nais nilang target.
Upang masuportahan ang mga advanced na order types na ito, kailangan ng mga DEX ng komplikadong off-chain o hybrid na mga sistema na kayang mag-monitor ng kondisyon ng merkado at mag-execute ng mga order nang kondisyonal, lamang kapag naabot ang target na presyo, o sunud-sunod, sa loob ng itinakdang panahon.
Komplikadong trading logic para sa bawat DEX
Ang pangangailangan para sa mga komplikadong trading architecture ay nagbukas ng oportunidad para sa mga innovative na bagong protocol na maaaring magsilbing kritikal na provider ng imprastraktura. Dito na pumasok ang mga Layer-3 protocol tulad ng Orbs, na nagbibigay-daan sa third-party DEXs na mag-deploy ng kinakailangang trading primitives nang walang kahirap-hirap. Nakabuo ang Orbs ng isang suite ng decentralized order types, kabilang ang dLIMIT, dTWAP at dSLTP, na inaalok sa pamamagitan ng isang external, transparent at auditable na service layer.
Sa halip na subukang buuin ang architecture na kailangan para suportahan ang advanced order types, ang mga DEX tulad ng PancakeSwap, QuickSwap, SpookySwap at SushiSwap ay gumagamit na ng Orbs’ Perpetual Hub, isang decentralized execution layer na nakapatong sa mga umiiral na Layer-1 at Layer-2 networks para payagan ang complex trading logic. Ang Perpetual Hub ay gumagamit ng “intent-based” model na naghihiwalay ng execution sa settlement, na nagbibigay ng mas mahusay na capital efficiency, mas mabilis na trading at delayed execution.
Malaki ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng isang L3 na namamahala sa lahat ng ito. Una, ang mga protocol ng Orbs ay DEX agnostic, ibig sabihin maaari itong i-plug sa kahit anong DEX platform at makinabang ang buong DeFi ecosystem. Nagbibigay din sila ng decentralized assurance. Hindi tulad ng mga centralized exchanges, ang trading logic para sa pag-trigger ng mga order ay pinamamahalaan ng isang decentralized validator network na nagbibigay ng transparency at censorship resistance at nagpapababa ng pangangailangan na magtiwala sa mga third-party.
Pinakamaganda mula sa parehong mundo
Biglang napunta sa pole position ang DeFi. Nakuha ng mga trader ang benepisyo ng transparency, censorship resistance, walang tagapamagitan at self-custody, pati na rin ang kasopistikaduhan at kahusayan na dati’y eksklusibo lamang sa tradisyonal na pananalapi.
Isa sa mga pinakamatagal nang problema ng DeFi ay ang kakulangan nito sa liquidity kumpara sa mga CEX at tradisyonal na mga merkado. Ang isang malaking trade ay madalas na may malaking epekto sa presyo, na nagreresulta sa hindi katanggap-tanggap na slippage para sa mga hedge fund at katulad nila. Sa tulong ng dTWAP orders, maaaring iwasan ng mga trader ang problemang ito sa pamamagitan ng dahan-dahang pagpasok ng kanilang order sa merkado. Ito ay nagbibigay-daan sa liquidity pools na unti-unting saluhin ang malalaking trades, na nililimitahan ang epekto sa presyo. Ang mga trader ay magkakaroon ng mas magandang kabuuang presyo, na may garantiya na maeexecute ito sa loob ng itinakdang panahon.
Ang dSLTP order ng Orbs ay kasing-transformatibo. Bago ito, kailangang bantayan ng mga DEX-based trader ang merkado palagi, na halos imposibleng gawin, o di kaya’y tanggapin na lang ang panganib na baka malikida ang kanilang posisyon habang sila ay natutulog. Tinitiyak ng dSLTP na mapoprotektahan ng mga trader ang kanilang kapital ano man ang galaw ng merkado, na lumilikha ng mas estratehikong at hindi emosyonal na kalakaran, na kahalintulad ng disiplinadong diskarte ng mga institusyon sa TradFi. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng panganib na ma-“rekt” ang mga trader, ginagawang mas hindi madaling kapitan ng systemic shock ang merkado na dulot ng sunud-sunod na liquidation.
Para sa mga institusyon, ang mga ganitong uri ng primitives ay hindi luho – sila ay isang mahalagang pangangailangan. Kung wala nito, hindi maaaring sumugal ang mga propesyonal na money manager na may mahigpit na compliance at risk mandates. Ngayon, maaari na, dahil ang DeFi ay naging mas pamilyar, matatag, at maaasahang trading environment na handa na para sa institusyonal na kapital.
Higit pa sa TradFi
Naabot na ng DeFi ang isang kritikal na punto, nalampasan ang mga hadlang ng volatility, slippage at liquidation risk na dati’y naglalayo sa mga propesyonal na trader. Ang mga Layer-3 network tulad ng Orbs ay nagdemokratisa sa mga makapangyarihang primitives na dating nagpapatingkad sa TradFi, at ginawang abot-kaya ng buong DEX ecosystem at, sa gayon, ng bawat decentralized trader.
Ang katotohanan ay kakaunti na lang ang mga kalamangan ng TradFi markets sa kanilang decentralized na katapat. Habang ang mga tradisyonal na asset class ay dinadala on-chain sa pamamagitan ng tokenization, mas marami pang dahilan kaysa dati para paniwalaan na ang hinaharap ng pandaigdigang pananalapi ay magiging desentralisado.

